12mn. Out na ako. Umuulan na naman. Bwiset! Siguradong baha na naman samin. Habang nagiintay ako kay piki nagyosi muna kami ng mga team8s ko. Excited na kami sa team building namin sa subic. Paano yan umuulan? WALA KAMING PAKI! Basta makalayo lang kami sa buhay dito sa maynila at kahit papaano ay makapagpahinga sa aming nakakapagod na trabaho.
*Bagamat di ito ung dinaanan namin kanina. Pucha, ganito ka exag ang baha!
Bumababa na si PIKI para umuwi. Yosi muna ulet dahil ang lakas ng ulan. Isa pang yosi... Nung mejo humina na ang ulan nagdecide na kami umuwi. Una akong sumakay ng taxi para mas madali pagbaba na ako sa tapat ng building.
Buendia - Baha na!
Taft - Baha din!
Donada - Mas baha!
Unti-unti ng pumasok ang tubig sa aming sinasakyang taxi. Shet! Ang Baho nung tubig. Buti na lang ako naka slippers at buti na lang at naka-chucks siya dahil after 48 years may rason na para labahan. Akala namin pabababain na kami ni kuya. Talagang sinuong niya ang baha kahit may threat na kami ay tumirik. Lusot dun... diretso... Kaliwa... makarating lang kami sa aming pupuntahan. Sa isip-isip ko di ako mababasa pero pucha malalim pala ung tubig. Ayon... diring-diri ako sa paa ko. Inintay ko lang lumabas ung taxi sa compound nila at umakyat na ako.... Kamusta naman? Diresto sa CR at naligo upang kahit papaano eh umayos ang pakiramdam ko. Bwiset talaga itong ulan na ito. Leche!
Nagtxt ako kay piki. "Nakapasok k n b?"... Di nag reply. Hayaan niyo ganun talaga un kahit kanino. Siya lang ang taong kilala ko na hindi mahilig magreply. Habang nagcheck ako ng multiply. Tumunog ang aking celfone. "Dito na ako. Naligo na din ako. Ang bait ni kuya kaya binigyan ko ng P250". Nagbigay ako sa kaniya ng P100 tpos dinagdagan niya na lang. Sa perwisyo na naidulot namin dun sa taxi driver.... sapat na siguro yun! Hanga ako dun kay kuya dahil kung iba-iba un.... nagswimming na siguro kami. "Sige, bawi na lang ako sayo bukas. Treat ko na ung lunch mo" txt ko.
Eniweiz, masaya at nakakatakot itong experience na ito. Nakakadiri na nakakatuwa. Sana di na ganito bukas.
Sa pagdaan ng araw mula nung gumimik kami... Unti-unti ko siyang na aprc8 hindi bilang isang karir.. Kundi bilang isang kaibigan. Wag kau magreact.... Di pa ako nakapag-move on pero ok na ako. Di na katulad dati.