Nakatulala at walang magawa. Sa aking pagkabato ay napag-desisyunan kong mag-"chat". Karamihan ng mga katulad ko ay madalas itong ginagawa. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng salitang CHAT?
CHAT - talk socially without exchanging too much information;
WordNet® 3.0, © 2006 by Princeton University.
Tama nga ata. Sa chat... NAME (1st name/nick), AGE, LOC, STATS at PICTURES lang ang kailangan. Maraming nagtatago ng kaniling pagkatao sa pamamagitan ng paggamit ng isang katerbang palayaw.
Bakit nga ba ako nagcha-chat? SEB? Maaari. Ilang lalaki na rin ang aking nakilala sa chat at nakadaumpalad ko sa aking silid. Bf? Hindi rin... Sabi nila "A CHATTER WILL ALWAYS BE A CHEATER" Hindi daw tama na maghanap ng jowa sa chat. Di pa din naman ako nakahanap at wala akong balak.
Pag ako ay nagcha-chat iba't-ibang tao ang aking nakikilala. Yung iba naghahanap ng ka-SEX. Top, bottom or versa? Yan ang tanong nila. Yung iba naghahanap ng jowa. Wassup? Yan ang hirit nila. Yung iba nagpapa-cute lang para mapansin. www.picturetrail.com/sex09 .... www.faceparty.com/tripper01 at kung ano-ano pang site na kung saan pwede mong makita ang kanilang mukha-katawan-at maging ang kanilang mga titi. Hahahaha! Minsan maganda ang katawan pero panget... Minsan naman gwapo pero mataba... Minsan naman gwapo na at maganda ang katawan pero dedma ka lang nila.
Ang chat ba ay pang palipas oras lang? Kagawian na ng mga taong hanap ay panandaliang aliw? Madaliang solusyon sa mga taong ang hanap ay instant relasyon.
Wala ako sa tamang lugar para humusga.
Ito lang ang alam ko.... Isa din ako sa kanila ngunit may malaking pagkakaiba.