Thursday, August 23, 2007

GANITO AKO NOON.. GANITO NA AKO NGYON


Sa ilang taon kong pagiging bakla... Maraming mga pangyayari na ang naganap sa aking buhay. Ibat-ibang klase ng tao ang aking nakasalamuha. Naaalala ko pa nung bago pa lamang ako sa larangang ito, takot akong magkaroon ng jowa dahil baka masakatan lang ako gaya sa mga naranasan ko sa isang normal na relasyon (babae-lalake).


Natuto akong magchat dahil na aliw ako sa ibat-ibang kulay ng font... MIRC pala ang tawag dun. Dito ko nahanap ang mundo ng mga katulad ko na pilit nagtatago gamit ang kani-kanilang NICK. ASL? TOP or BOTTOM? SEB? Mga katagang di ko pa maintindihan dat. Habang ako ay nagcha-chat isang lalaki ang nagbigay sa akin ng kanyang number sa landline. Usap daw kami. Tawag naman ako. Kinuwentuhan niya ako ng kanyang talang-buhay. Bago matapos ang aming usapan ay bigla siyang nag-I LOVE YOU. Huh? I love you daw eh ni hindi ko pa siya nakikita at di ko pa siya nakikilala. Hindi daw siya naghahanap ng kaibigan at marami na daw siya nun. Naguluhan ako. Anong klaseng mundo ito. Di na nya ako kinakausap kahit araw-araw ko siyang tinatawagan. Napuno na ata ang loko at binigyan niya ako ng numbers ng kaibigan niya na ang hilig din daw ay maki-pagusap sa telepono. Siya ang una kong naging jowa.


Si Russ - 8 months kami! Lagi kami magkausap sa telepono at tuwing saturday and sunday kami magkasma. Gimik dun... Gmik dito. Di gaano nagtagal ang aming relasyon dahil nabuko kami ng parents nya na magsyota kami. Hahahha! Dun nagsimulang di na kami nagkikita at wala na rin chance na makapagusap sa telepono. Di ko alam kung kami pa rin o hindi.


Pagkatapos namin ni russ... Madami din ako nakilala ngunit di sila si russ. Si russ ang naging pamantayan ko sa pagkakaroon ng jowa.


Si Jeorge - Ex siya ng kaibigan ko na naging jowa ko din. Bitter yung kaibigan ko sa pagkakahiwalay nila kaya kinausap niya ang iba pa naming kaibigan upang di ako pansinin at ako'y iwasan. Nabuhay kami ng 1 buwan na kami lang. Maraming ginawa si jeorge na hindi ginagawa ni russ. Sobrang saya ng aming pagsasama ngunit na sira dahil sa palabas na "alias". Mababaw pero malalim ang pinaghugutan.


Si Flip - Isang OSY or "OUT OF SCHOOL YOUTH" na kaibigan ni rose. Matagal na siyang walang jowa at naghahanap din. Pinakilala ako ni rose at nung gabing din yun ay naging kami. Hahahaha! Tumagal din kami ng 1 month pero na discover namen na mas ok kami bilang magkaibigan.


Si Paolo - Pinakilala siya ng isang kaibigan. Isa pa ding OSY na dahil sa walang makapag-abalahan ay nakipag-live in saken ng almost 1 week at nagsilbing aking asawa. Nagluluto, naglilinis at naglalaba. Kami ay naghiwalay pagkatapos ng isang lingo dahil sa TOCINO.


Si Yuan - Isang estudyante ng PUP. Matalino. Lagi siyang pumupunta sa bahay nun upang tumambay. Ngunit isang araw di na nagpakita at di ko lam kung bakit. After 1 month, sinabi ng friend ko na gusto pa lang makipag sex sa kaniya ni YUAN at dahil dito inaaway niya ito at di na muling nagparamdam.


Si Oreo - Ex din ng kaibigan ko. Di ko siya talaga gusto ngunit pinilit ko ang aking sarili. Kahit gumagawa ako ng thesis nun pilit ko siyang kinikita. Ilang lingo din kami nagsama ngunit di talaga kami para sa isa't isa dahil makati siya. hahaha!


*Si Jordan - Nakilala ko sa MIRC. Naka-sex ko. Matalino. Chinito. Mabait. Constant date ko siya dati ngunit di naging kami dahil nawalan kami ng communication. Lumipat kami ng bahay. Wala pa kaming cellphone. Pumupunta lang siya sa bahay ngunit biglaan kaming lumipat at walang chance para ma-inform ko siya. After 1 year nakita ko siya sa marikina malapit sa bago naming bahay ngunit may jowa na siya.


Chat dun... Chat dito... SEB dun.. SEB dito...


Wala na. Na-addict ako ng isang taon sa on-line game na KHAN at dahil dito di na ako nakakilala ng mga taong gaya ko... gaya natin.


Niyaya ako ng mga kaibigan kong maghanap ng trabaho. Sa awa ng diyos ay nakapasa ako sa isa sa pinaka-bigating call center. Ito na ang naging buhay ko.


Trabaho... Trabaho... Trabaho... 2 years and 4 months na ako sa kumpanyang ito.


Si PIKI - Ang aking opismate na virgin. Nasa kanya na ang hinahanap ko sa isang kapareha ngunit kaibigan lang ang turing sa akin. 2 taon na akong may gusto sa kanya pero walang pag-asa.


Sa 3 years and 4 months, madami na akong natutunan. Kung paano pagpahalagahan ang kaibigan, trabaho at mahal sa buhay. Di ko man masasabing ako ay nagbago ng tuluyan... Ngunit handa na ako sa bagong pakikipagsapalaran sa buhay.
Asan? Kelan? Papaano? Mga tanong na hangang sa mga oras na ito ay nagiintay ng kasagutan...
**update lang**
Russ - OSY na siya ngyon. May tsismis na may cancer daw sa blood
Syd - Nagwowork din siya sa copmany na pinagtatrabahuhan ko ngunit sa ibang account at site siya. Masaya kasama ng jowa niya.
Flip - Nasa US Navy na. May asawa ala pang anak. OO nga pala... Babae ang kanyang asawa.
Paolo - Ka reresign lang daw sa DELIFRANCE bilang isang crew. OSY na ulet.
Yuan - ala akong balita
Oreo - Nagwowork na daw sa ACCENture.
Yuan - Nagwowork sa TELEPERFORMANCE.