Thursday, August 16, 2007

MATEMATIKAL EKWASYION PAG UMUULAN

Pucha! WEDNESDAY.... Isa sa pinakamasalimuot na araw sa aking buhay. Umulan ng sobrang lakas na nagresulta ng isang matinding baha sa lugar namin pati na rin sa karamihan ng lugar sa makati. Bwiset! 1pm pa lang ay nagpapaalam ng akong magabsent dahil sa lecheng tubig na nakapalibot sa aming tinitirahang condo. Di pumayag ang aking TL. Kahit daw ma-late ako o maghalf-day ay ok lng basta di magabsent.

Habang ako ay nagdarasal sa aming banyo, narining ko ang aking celphone at may tumatawag. Amps! Si piki pala. "Papasoka ba? tanong niya. "Di ko pa alam" sagot ko. Nagdadalawang isip kami pumasok dahil nga sa balitang maraming na-stranded na commuters. Di siya pumasok. Pumasok ako. Bwiset tlga!

Intay ng taxi... Yosi... Intay taxi.. Yosi.... Pucha mukhang gusto talaga akong papasukin dahil pumayag yung driver na ihatid ako sa makati. Waaaaaah! P60 lang ang binabayad ko sa taxi araw-araw papasok sa opisina... Kamustahin mo naman kahapos... P200 dahil sa sobrang traffic. Inaaway ko pa nga yung traffic aid dahil sinarado nila lahat ang u-turn slot sa buong buendia at tanging sa WTC ka lang pede mag u-turn. Bwiset!

Pagkatapos na 1 hour and 30 mins ay nakarating na din ako sa CVG. Late na ako! Nawalan na din ako ng gana magtrabaho. HALF DAY AKO! Sabi ko sa SLT. Salamat at pumayag naman sila. Punyeta... papatay ako ng tao pagpinilit nila akong magcalls. "LUGI NA SA KABUHAYAN" Mas malaki pa ung ginastos ko kaysa sa suswelduhin ko Kainis tlga.

Yosi.... Yosi... kwento... Yosi... Kwento...... 8pm simula na ang trabaho at natapos ako ng eksaktong 12mn.

Uwian na! Yes! Ala akong kasabay. Wala si piki. Wala din si rain. Bwiset. Pagdating sa aking tinitirahan.... Nilantakan ko ang lahat ng tirang pagkain sa ref at dun binuhos ang sama ng loob.

BAHA + ULAN + TRAFFIC + TAMAD = HALF DAY

No comments: