Ako ay napadpad sa isang lugar sa Maynila na kung saan hindi mahulugan ng karayom dahil sa dami ng tao. Iba't-ibang klase ng tao ang naroon. Nakakatuwa at nagkaroon na naman ako ng pagkakataong makapunta sa lugar na minsan ay naging tambayan ko noong ako ay nasa kolehiyo pa. Medyo marami-rami na din ang mga pinagbago sa lugar na iyon. Maraming mga establisimyento na rin ang nagsarado ngunit mas marami din ang nagbukas na nagmistulang mga kabuteng kung saan-saan nagsulputan.
Pinasok ko ang isang iskinita na kung saan maraming mga kalalakihan na nagtutumpukan. Kanilang sinisipat ang bawat taong nagtatangkang pasukin ang kanilang daigdig. Narating ko ang pinto na nababalot ng kadiliman. Di ko na matandaan kung kailan ako huling nakapasok sa lugar na iyoN. Nakakatakot. Nakakakaba.
Ako ay nagmasidmasid at pilit humanap ng mapwepwestuhan. Unti-unti akong sumabay sa musika. Umorder ng maiinom upang kahit papaano ay malasing at magkaroon ng rason para magwala ng ganun (Di kasi ako marunong magsayaw). Sa makailang ulit na paginom... tinamaan na ako! Ilang tao din ang bumati sakin. Mga taong naging bahagi ng aking buhay sa lugar na iyon at mga taong nakaniig ko ng minsan. Panandaliang kwentuhan at tanguhan. Nakakatuwang alalahanin ang mga naging karanasan ko kasama sila.
Ako'y umuwi ng may ngiti sa aking labi. Di ko mapagkakaila na naging masaya ako ng araw na iyon. Sa isip-isip ko... Babalik akong muli. Di ko pa alam kung kailan pero lam ko na may lugar akong tatakbuhan sa panahon na aking kailangan. Masaya ang aking karansan sa KAMA.
1 comment:
ang sarap naman sa kamang iyon. ^_^
Post a Comment