Matagal-tagal na din nung huli akong magsulat dito sa aking blog. Natambakan na ako ng isang bundok na istorya na hindi ko na naisiwalas sa inyo. Ito ang ilang sa mga nangyari sa akin habang ako ay naglalakbay ....
November 2007:
Nakasama ko na naman sa aking bagong account si PIKE. Isa syang multo na bumabalik sa aking buhay. Araw-araw kaming magkasama. Gaya ng dati, 1st break, lunch at 2nd break. Naloka ang
aking nanahimik na puso. Para itong isang bulkan na sumabog mula sa ilang taong pagkakatulog.
December 2007:
Nakakilala ako ng ilang lalaki umagaw ng aking atensyon sa tunay na tinitibok ng aking puso. Ang koreanong biya sa tagalog at ingles. Ang estudyante ng FEU na may P, F, B and V problem. Nanghiram ng DVDs ko pero di na binalik. Hahahaha!
January-March 2008
Unti-unti na namang nagkakulay ang buhay pag-ibig ko. Na tsismis kami ng makailang-ulit ni pike. Kami daw at hindi lang namin inaaamin. SHOWBIZ: " Friends lang kami... CLOSE friends"
Patuloy na naman nalugmok sa isang pag-ibig na parang trapik sa edsa na kahit kaunti ay hindi umusad
April 2008:
Ang aking iniintay na promosyon ay aking nakamit na. Para akong nanalo sa isang beauty contest nung ipinroklama na ang nagwagi.... "Dodong Charing, ang bagong berdugo". Isa na akong quality evaluator. Hahahaha! Pagkatapos ng 3 taong paghihirap.... paghihirap pa din pala ang aking bagong pinasukan.
May-June 2008
Umikot ang aking mundo sa pakikinig ng mga echoserang mga ahente na walang ginawa kundi magkamali at makipag-away sa kustomer. Mas madalas akong magbigay ng bagsak na grado kesa sa pasado. Malas mo.... wala kang Q. bonus. hahhahahah! Mas lalu akong nagkaroon ng oras para kay piki.
JULY 2008:
Na leche ang buhay ko. Daming problema. Dumagdag pa tong isang to na pilit ipinagsisigawan na MAKAIBIGAN LANG daw kami. "Hay, matagal ko ng alam yun. Pede ba?" Sawi na naman. Pero ang magandang part ay lagi na kami ulit mgkasama ng aking kaibigang shungril (tibo). Kain dun... Kain dito... Kape dun... Kape d2. Di na ako rumarampa sa malate. Di na ako nakikipag EB ng ganung kadalas gaya dati. Sakto lang... Sakto sa okasyon. Alam nyo na yun...
AUGUST 2008:
Hopya ang palaka. Nawa'y dumating na ang taong kakalas ng tanikalang nagtatali sa akin sa pagitan ng kaligayahan at kalungkutan.
***Barbara.... pede ka ba? Magkulutan na lang tayo. hehehehe! Mis na kita.
Sunday, July 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment