Friday, August 17, 2007

TAXI WATER CAB



12mn. Out na ako. Umuulan na naman. Bwiset! Siguradong baha na naman samin. Habang nagiintay ako kay piki nagyosi muna kami ng mga team8s ko. Excited na kami sa team building namin sa subic. Paano yan umuulan? WALA KAMING PAKI! Basta makalayo lang kami sa buhay dito sa maynila at kahit papaano ay makapagpahinga sa aming nakakapagod na trabaho.

*Bagamat di ito ung dinaanan namin kanina. Pucha, ganito ka exag ang baha!

Bumababa na si PIKI para umuwi. Yosi muna ulet dahil ang lakas ng ulan. Isa pang yosi... Nung mejo humina na ang ulan nagdecide na kami umuwi. Una akong sumakay ng taxi para mas madali pagbaba na ako sa tapat ng building.




Buendia - Baha na!




Taft - Baha din!




Donada - Mas baha!




Unti-unti ng pumasok ang tubig sa aming sinasakyang taxi. Shet! Ang Baho nung tubig. Buti na lang ako naka slippers at buti na lang at naka-chucks siya dahil after 48 years may rason na para labahan. Akala namin pabababain na kami ni kuya. Talagang sinuong niya ang baha kahit may threat na kami ay tumirik. Lusot dun... diretso... Kaliwa... makarating lang kami sa aming pupuntahan. Sa isip-isip ko di ako mababasa pero pucha malalim pala ung tubig. Ayon... diring-diri ako sa paa ko. Inintay ko lang lumabas ung taxi sa compound nila at umakyat na ako.... Kamusta naman? Diresto sa CR at naligo upang kahit papaano eh umayos ang pakiramdam ko. Bwiset talaga itong ulan na ito. Leche!




Nagtxt ako kay piki. "Nakapasok k n b?"... Di nag reply. Hayaan niyo ganun talaga un kahit kanino. Siya lang ang taong kilala ko na hindi mahilig magreply. Habang nagcheck ako ng multiply. Tumunog ang aking celfone. "Dito na ako. Naligo na din ako. Ang bait ni kuya kaya binigyan ko ng P250". Nagbigay ako sa kaniya ng P100 tpos dinagdagan niya na lang. Sa perwisyo na naidulot namin dun sa taxi driver.... sapat na siguro yun! Hanga ako dun kay kuya dahil kung iba-iba un.... nagswimming na siguro kami. "Sige, bawi na lang ako sayo bukas. Treat ko na ung lunch mo" txt ko.




Eniweiz, masaya at nakakatakot itong experience na ito. Nakakadiri na nakakatuwa. Sana di na ganito bukas.
Sa pagdaan ng araw mula nung gumimik kami... Unti-unti ko siyang na aprc8 hindi bilang isang karir.. Kundi bilang isang kaibigan. Wag kau magreact.... Di pa ako nakapag-move on pero ok na ako. Di na katulad dati.

Thursday, August 16, 2007

MATEMATIKAL EKWASYION PAG UMUULAN

Pucha! WEDNESDAY.... Isa sa pinakamasalimuot na araw sa aking buhay. Umulan ng sobrang lakas na nagresulta ng isang matinding baha sa lugar namin pati na rin sa karamihan ng lugar sa makati. Bwiset! 1pm pa lang ay nagpapaalam ng akong magabsent dahil sa lecheng tubig na nakapalibot sa aming tinitirahang condo. Di pumayag ang aking TL. Kahit daw ma-late ako o maghalf-day ay ok lng basta di magabsent.

Habang ako ay nagdarasal sa aming banyo, narining ko ang aking celphone at may tumatawag. Amps! Si piki pala. "Papasoka ba? tanong niya. "Di ko pa alam" sagot ko. Nagdadalawang isip kami pumasok dahil nga sa balitang maraming na-stranded na commuters. Di siya pumasok. Pumasok ako. Bwiset tlga!

Intay ng taxi... Yosi... Intay taxi.. Yosi.... Pucha mukhang gusto talaga akong papasukin dahil pumayag yung driver na ihatid ako sa makati. Waaaaaah! P60 lang ang binabayad ko sa taxi araw-araw papasok sa opisina... Kamustahin mo naman kahapos... P200 dahil sa sobrang traffic. Inaaway ko pa nga yung traffic aid dahil sinarado nila lahat ang u-turn slot sa buong buendia at tanging sa WTC ka lang pede mag u-turn. Bwiset!

Pagkatapos na 1 hour and 30 mins ay nakarating na din ako sa CVG. Late na ako! Nawalan na din ako ng gana magtrabaho. HALF DAY AKO! Sabi ko sa SLT. Salamat at pumayag naman sila. Punyeta... papatay ako ng tao pagpinilit nila akong magcalls. "LUGI NA SA KABUHAYAN" Mas malaki pa ung ginastos ko kaysa sa suswelduhin ko Kainis tlga.

Yosi.... Yosi... kwento... Yosi... Kwento...... 8pm simula na ang trabaho at natapos ako ng eksaktong 12mn.

Uwian na! Yes! Ala akong kasabay. Wala si piki. Wala din si rain. Bwiset. Pagdating sa aking tinitirahan.... Nilantakan ko ang lahat ng tirang pagkain sa ref at dun binuhos ang sama ng loob.

BAHA + ULAN + TRAFFIC + TAMAD = HALF DAY

Tuesday, August 14, 2007

WALA LANG


Nagsimula ang aking linggo ng walang maayos na tulog. Napuyat sa kaiisip ko ano ang magiging reaskyon ni piki sa mga kaganapan nung sabado ng gabi. Bagamat tinatamad na pumasok pilit akong bumangon upang magsimulang magaayos. 3pm ang pasok ko pero 1pm na ala pa akong nagagawa. Mas malupit pa sa pagong ang bawat kilos ko. Wala ako sa mood at sabayan mo pa ng pangdedemonyo ng dalawa kong hausmate na wag na daw ako pumasok. Shet! Magulo ang aking isipan.


Dinampot ko ang aking cellphone upang tingnan kung may mga mensahe ako galing sa mga masusugid kong kaibigan na kahit di ako nagrereply eh sige pa din ang txt. Habang nagbabasa ako eh napansin ko ang isang txt galing sa aking nakaraang pag-ibig. OO nga pala bago ako natulog eh siya ang katxt ko. Hingahan ko ng sama ng loob pag ako ay nababaliw. Ganun din ako sa kaniya. Lagi din kami nagaaway nito dahil sa madaming bagay na di namin napagkakasunduan. Bagamat di nagtagal ang aming relasyon, naging magkaibigan pa din kami.


"I'm ur frend watevr u say or do.. Pacenxa knlnG... Nw kung grumpy ka eh di nxt tym n lng tau mgusap.. Bsta kaya mu yan.. At wag k msydo mgpkaadik malapit n bday mu. Nga pla nu gus2 mo gift?" SYD


What?!? Gift?!? Wow... ang sweet! Naaalala pa din niya birthday ko kahit 5 years na kaming break. Pede bang ikaw na lang?!? Hhehehe! DI PEDE! MAY BF SIYA!


Pagkatapos kong magbasa eh diretso sa CR upang magdasal at magyosi sa aking trono. Napaisip ulit ako kung anong mangyayari pag nagkita kami ni piki. Isip... Hithit...Buga... Isip ulit...

Naligo...Isip...Nagbihis... Isip ulit... Nasa taxi... Isip pa din. Pagdating ng opis eh nagyosi muna ako. Habang nagiisa biglang nagdatingan ang aking mga kaibigan... Kwentuhan. "Asan ka nung Sat nyt?" tanong nila. "Diyan lang". sagot ko.


Dumating si piki. Una di ko lam kung papansinin ko siya. Nahihiya ako. Biniro niya ako! Yuck daw kasi sumuka ako sa kalasingan. Dun na nagsimula... Saglit kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari during and after the gimik. Nagpasiya akong umakyat dahil di pa ako nakapgsetup. Di kami sabay ng first break. Di kami nakapagkwentuhan.


LUNCH time! Nagiintay ako ng elevator... Dumating siya tapos sumabay kumain sa jollibee.... Ang weird kasi ngyong araw lang kami walang nakasabay na ibang tao. Order ng food. 1 pc burger steak and ice tea ang akin. Chix with spag ung kaniya. Kwentuhan habang kumakain. Mabilis lang kami kumain kaya nagkakasundo kami pagdating dun.


Di kami sabay ng last break. Walang kwento. Sabay kami umuwi. OK lng. Swabe!

"gud nyt" sabi ko, "gud nyt din" sabi nya. "ingat" sabi ko. "kaw din" sabi niya.


Iba lang yung feeling... Di na ako masyado excited pagnakikita ko siya. Siguro sa hiya. Takot. Di ko alam. Mukhang di naman ako mahihirapang mag move on kasi alam ko na kahit ganun ang nangyaari eh friends pa din kami. Sobrang bait nyang tao at wala akong masasabing masama tungkol sa kaniya. Di man siya... Alam kong mayroon iba... Di man ngyon... Siguro bukas... Sa makalawa... Bahala na!

Monday, August 13, 2007

SA KAWALAN


Tulog ang haring araw. Walang sinag na nagbibigay sigla sa bagong umaga. Walang init na dumdampi sa aking katawan. Ang aking mga katanungan sa buhay ay parang mga dahon na nalalaglag at tinatangay ng hanging sumusuot sa aking kaibuturan.


Patay ang buhay!

Sunday, August 12, 2007

PAALAM!


MASAYA,
KILIG AT PAG-ASA.


MALUNGKOT,
PAGOD AT TAKOT.


PAALAM NA!

Saturday, August 11, 2007

THE END


o1:00am August 12 - PIER ONE- BUENDIA


Inuman session with zief and"PIKI".


After 48 years nagkaroon kami ulit ng chance na mag-inuman. Tatlong "weng-weng" lang taob na ang aking bangka. Di ko napigilan ang aking sarili na sabihin ang katotohanan. Nagsimula sa pagkaasar ko kay mr. straight guy hanggang napunta ang usapan namin tungkol sa feelings ko para kay "piki".


"I love you so much" Ito daw ung exact words na ginamit ko sabi ni zief. Promise, di ko matandaan. Sobrang nakakahiya ako. Tanging alak lang talaga ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob para aminin ang lahat ng tinatago ko.


Sa sobrang kalasingan ko, pinahinto ko pa si mamang taxi driver para mag-"puke". Pucha! Dyahe talaga itong araw na ito. Dito nagsleep over si zief sa unit. Hinatid niya kami.


Sobrang lasing ako. Di ko alam ang mga nangyari.Nung una, nagpi-phish lang ako ng info tapos yun na...


Bakit nga ba 'THE END' yung title nung POST.... Kasi after 2 years and 4 months, i've decided to move on. Why? Kasi walang chance! Its very simple! Mahal ko siya di niya ako gusto. Ayoko ng complicated na buhay. Kung ayaw... edi ayaw! Friends? Why not! Depende sa kaniya kung gusto niya pa akong maging kaibigan after what happend. Di siya big deal.


Sad ako. OK lang. Talagang ganun. "may mga bagay na kahit gusto natin na hindi natin makukuha".


Whats next?


I dunno. Move on. Life must go on... Thank you for this experience! Bitter sweet!

Friday, August 10, 2007

BAD NEWS

1st break- Di ko siya nilapitan dahil may mga nanunukso samin. Ayoko naman na mailang siya sa aking. Mejo matagal na rin na nahimik yung tsismis tungkol sa aming dalawa. Dahil siguro pareho kami ng sked kaya umaariba na naman ung mga opismate namin na alang magawa kung hindi maghanap ng pagkakaabalahan. Palabas na ako ng production floor ng may narining akong tumatawag sa pangalan niya. Napalingon ako at napansin ko na lang na siya pala yung kasunod ko. Lecheng lalake yun napilit na nangungulit at nanunukso sa kaniya. Ngumit lang siya pero alam ko na mejo may pagkailang. Kwentuhan... kwentuhan... kwentuhan ulit. Di kasi kami sabay umuwi kagabi.
Lunch-Di kami sabay ngyon kasi nag-order sila sa KFC at sa pantry kumain. AS usual.sa jollibee kami kumain ng mga teammates ko. Tinanong nila kung bakit di namin kasabay si piki. Mega explain naman ako. Natapos na ang lahat kumain kaya dumiretso kami sa smoking area. Andun siya. Kwentuhan, kentuhan, kwentuhan ulet. Dumating na naman yung lalaking nambubuwiset sa kaniya... Ganun pa din. Di mo alam kung nagseselos dahil sila dati ang magkasabay. Shet! Straight guy daw kasi siya. Kaya naman pala. Mas makati pa ang dila niya sa mga matandang nagtsitsimisan sa kanto tuwing tanghali.
Uwian na! Sabay kami ni piki at nung isa pa naming opismate na gurl. Kwentuhan about jowa, hiskul layp at mga relasyong normal na hindi naging successful. Di ko mapigilan na tingnan siya habang nagkukuwento.
BAD NEWS- hindi na kami sabay lumipat ng program! shet! Leche talagang pagkakataon ito. Hindi ko alam magiging reaksyon ko. Malungkot. May panghihinayang.Di ko alam.
Pagbaba sa taxi. Siya ay nagpaalam. Kung pwede lang ihinto ang paggalaw ng mundo para ma-extend lang yung time na kami ay magkasama pero di pede. Di ako superhero... Alang akong powers. Ako lang ito. Ako lang.

Thursday, August 9, 2007

LECHENG DINNER YAN!

Lunch time... Alang ibang choice kung hind mag-JOLLIBEE. Kasama ko mga team mates ko pati si "piki". As usual, kwentuhan ulit pero this time may sense.
"Dad, bakit ba nagiging unfaithful ang isang guy?" tanong ko.
"Minsan kasi nagsasawa na" sabi ni Daddy Yo.
(kumakain habang nakikinig si "piki) Todo explain naman si daddy.
Sabay singit si "piki". "Bakit sayo pagtumingin sa iba unfaithful na?"
Deadma.
Kwento ulit si daddy.... Napunta ang usapan sa pagiging VIRGIN.
kweno... tawa... kwento... tawa...
Singit ulit si "piki"... "bakit ikaw ba?"
Deadma ulet. Sabay titig. Ala pa din akong sinagot.
Hanggang natapos na kami kumain... "Di tayo sabay ngyon sa paguwi" sabi niya.
"ok" tipid kong sagot. "May team dinner kami eh"....... Waaaaaah! Pakshet naman.
"sama ka na" sabi niya. "YOKO, di ko naman teammates yun eh....
After my shift, bumamba agad ako para magyosi. Iniintay ang kanyang pagdatin. Ngunit nakita ko na lamang siya pasakay na ng taxi kasama ang mga teammates nya. Di man ako nakpagpaalam... Di ko man lang siya na sabihin ng "Ingat ka ha" Shit. Parang may kulang ngyon... Di ko siya nakatabi...
Di ako makatulog... Hayaan ko na... May bukas pa naman!
Gud nyt and sleep tyy "piki"

Wednesday, August 8, 2007

TAXI RIDE

Pauwi na naman kami... Pagkakataong iniintay ko para siya ay ma-solo.
As usual, tabi na naman kami. Habang pauwi eh kung ano-ano na naman ang aming napagusapan. Sa sobrang busy namin sa pagkukwentuhan di na namin napansin na hindi alam ng taxi driver ang daan. Na bwiset pa yung driver dahil hindi ko alam aking kaliwa at kanan. Sensya lang!
Di kami gaanong nagaasaran ngyon at mejo seryoso ang aming usapan... "Bakit hindi kayo naging?" tanong ko sa kaniya. "Di ko siya gusto" ang sagot naman niya. "Eh, bakit? Di ka ba nag-enjoy sa company niya?" pangungulit ko. "Nag-enjoy! Madami nga kaming similarities eh.Talagang hindi ko lang gusto. Mahirap pilitin ang sarili".
Bakit ako kaya ganito sa kaniya? Matagal-tagal na rin mula nung una ko siyang naging crush. Dami na din nangyari sakin at sa kanya. Kala ko nga wala na pero anjan pa din pala, natago lang.
Ang alam ko at dito ako sigurado.... " Mahal ko siya, choosy lang talaga siya" heheheh!

Tuesday, August 7, 2007

MY SAD RAINY DAY

" You can't force or torture someone into liking you... You just have to put yourself out there and hope that they like you back"

" The truth is I'm afraid to be your friend because I'm always gonna want more... But then i got to think that I'd rather have you in my life as a friend than not at all"

My fave lines from the movie - "JUST FRIENDS"

Ang hirap main-love sa kaibigan. Di mo alam kung saan ka lulugar. Bagamat alam niya na gusto ko siya nanatiling pa rin siyang deadma. Alam ko naman hindi mutual yung feelings... Hindi ako manhid! Ang hirap lang sa situation na ito... Pareho kami ng shift, sked breaks pati lunch... pati sa uwian sabay pa din kami.

MOVE on! Diyos ko paulit-ulit kong naririnig yan sa mga friends ko. Madaling sabihin per mahirap gawin. Hindi ko siya papansinin? Di ko na siya sasabayan? Hindi kaya magmumukha akong tanga nun? Hindi ko maipaliwanag eh. Akala ko wala na pero till now... Im still in love with him! Imagine this... 2 years na akong ganito! Nagkaroon man ako ng mga ka-date, di naman nag click. Di man ako tigang pagdating sa sex , empty pa din!

Sabi ng iba, hindi dapat magdepende ang iyong kaligayan sa ibang tao... Paano? Pede ka bang maging masaya ng mag-isa? Friends? May mga bagay na hindi naiibigay ang mga kaibigan na naiibibigay ng isang kapareha. Aminin mo man o hindi! Yan ang totoo!

Magulo, masaya, malungkot ang buhay kong ngayon... Nakakaloka!