Thursday, August 9, 2007

LECHENG DINNER YAN!

Lunch time... Alang ibang choice kung hind mag-JOLLIBEE. Kasama ko mga team mates ko pati si "piki". As usual, kwentuhan ulit pero this time may sense.
"Dad, bakit ba nagiging unfaithful ang isang guy?" tanong ko.
"Minsan kasi nagsasawa na" sabi ni Daddy Yo.
(kumakain habang nakikinig si "piki) Todo explain naman si daddy.
Sabay singit si "piki". "Bakit sayo pagtumingin sa iba unfaithful na?"
Deadma.
Kwento ulit si daddy.... Napunta ang usapan sa pagiging VIRGIN.
kweno... tawa... kwento... tawa...
Singit ulit si "piki"... "bakit ikaw ba?"
Deadma ulet. Sabay titig. Ala pa din akong sinagot.
Hanggang natapos na kami kumain... "Di tayo sabay ngyon sa paguwi" sabi niya.
"ok" tipid kong sagot. "May team dinner kami eh"....... Waaaaaah! Pakshet naman.
"sama ka na" sabi niya. "YOKO, di ko naman teammates yun eh....
After my shift, bumamba agad ako para magyosi. Iniintay ang kanyang pagdatin. Ngunit nakita ko na lamang siya pasakay na ng taxi kasama ang mga teammates nya. Di man ako nakpagpaalam... Di ko man lang siya na sabihin ng "Ingat ka ha" Shit. Parang may kulang ngyon... Di ko siya nakatabi...
Di ako makatulog... Hayaan ko na... May bukas pa naman!
Gud nyt and sleep tyy "piki"

Wednesday, August 8, 2007

TAXI RIDE

Pauwi na naman kami... Pagkakataong iniintay ko para siya ay ma-solo.
As usual, tabi na naman kami. Habang pauwi eh kung ano-ano na naman ang aming napagusapan. Sa sobrang busy namin sa pagkukwentuhan di na namin napansin na hindi alam ng taxi driver ang daan. Na bwiset pa yung driver dahil hindi ko alam aking kaliwa at kanan. Sensya lang!
Di kami gaanong nagaasaran ngyon at mejo seryoso ang aming usapan... "Bakit hindi kayo naging?" tanong ko sa kaniya. "Di ko siya gusto" ang sagot naman niya. "Eh, bakit? Di ka ba nag-enjoy sa company niya?" pangungulit ko. "Nag-enjoy! Madami nga kaming similarities eh.Talagang hindi ko lang gusto. Mahirap pilitin ang sarili".
Bakit ako kaya ganito sa kaniya? Matagal-tagal na rin mula nung una ko siyang naging crush. Dami na din nangyari sakin at sa kanya. Kala ko nga wala na pero anjan pa din pala, natago lang.
Ang alam ko at dito ako sigurado.... " Mahal ko siya, choosy lang talaga siya" heheheh!

Tuesday, August 7, 2007

MY SAD RAINY DAY

" You can't force or torture someone into liking you... You just have to put yourself out there and hope that they like you back"

" The truth is I'm afraid to be your friend because I'm always gonna want more... But then i got to think that I'd rather have you in my life as a friend than not at all"

My fave lines from the movie - "JUST FRIENDS"

Ang hirap main-love sa kaibigan. Di mo alam kung saan ka lulugar. Bagamat alam niya na gusto ko siya nanatiling pa rin siyang deadma. Alam ko naman hindi mutual yung feelings... Hindi ako manhid! Ang hirap lang sa situation na ito... Pareho kami ng shift, sked breaks pati lunch... pati sa uwian sabay pa din kami.

MOVE on! Diyos ko paulit-ulit kong naririnig yan sa mga friends ko. Madaling sabihin per mahirap gawin. Hindi ko siya papansinin? Di ko na siya sasabayan? Hindi kaya magmumukha akong tanga nun? Hindi ko maipaliwanag eh. Akala ko wala na pero till now... Im still in love with him! Imagine this... 2 years na akong ganito! Nagkaroon man ako ng mga ka-date, di naman nag click. Di man ako tigang pagdating sa sex , empty pa din!

Sabi ng iba, hindi dapat magdepende ang iyong kaligayan sa ibang tao... Paano? Pede ka bang maging masaya ng mag-isa? Friends? May mga bagay na hindi naiibigay ang mga kaibigan na naiibibigay ng isang kapareha. Aminin mo man o hindi! Yan ang totoo!

Magulo, masaya, malungkot ang buhay kong ngayon... Nakakaloka!

Saturday, August 4, 2007

Depress lang... Sori ha!



Walang ibang tao. Ako lang. Walang magawa.


Nag-check ng YM, nag-check ng YAHOOMAIL, nag-check at nag-update ng MULTIPY, nag-check at nag-update ng BLOGSPOT, nag-install ng ROXIO ngunit 'di gumana, nag-check ng FRIENDSTER...


Wala na ulit magawa.


Nag-check ng G4M... nag-chat... nag-chat... nagchat.


Kumain.


Nakipag-EB... Nairita... Nabuwiset... Naloka.


Walang nangyari... Inumaga. Nag-sayang ng ORAS.


Natulog.

BAKIT?


Mahirap mag-isa... Wala kang mabahagian ng iyong lungkot at saya. Matagal-tagal na rin yung aking huling relasyon. Di ko alam kung bakit hanggang ngyon wala pa rin. Kung saan-saang sulok na rin ako nakarating. Mula sa bar sa malate, chat room sa i-net, malls... name it!


Sabi nila... Baka hindi pa dumarating ang taong para sa akin. Eh kailan niya balak dumating? Baka hindi niya alam kung saan ako hahanapin? Baka may na hanap ng iba? Bka hindi na siya darating.


Maraming katanungan... maraming kasagutan! Di ko lang talaga alam.

Thursday, August 2, 2007

TAXI



Papasok... 1:00am na ako naka-alis sa aking tinitirahang condo. Sobrang bagal ng aking nasakayang taxi. Di na ako nakapag-yosi at nakapag-ayos ng sarili. Sa takot kong ma-late... umupo na lang ako sa unang station na nakita kong bakante. Swerte! Sa sobrang busy ko magset-up ng aking kompyuter di ko na namalayan na nasa likod ko pala ang aking kinaaasarang "crush". As usual, nangungulet na naman... Di' niya alam na buwiset ako sa kaniya!

Di ko alam kung ano ang aking nakain at di ko napigilan na makipag-asaran sa kaniya. Pangako ko pa naman sa sarili ko kahapon na hindi ko siya papansinin. Bwiset! Kapag tungkol sa kanya ang paguusapan di ko talaga siya kayang matiis.

Bibe" - tawag ko sa kaniya pag nakita ko siyang naglalakad. "Pike"- pag nakita ko siyang nakatayo. "Piket"- pag siya lang mag-isa at nakatingin sa kawalan. Ilang lamang yan sa mga pangbuwiset ko sa kaniya.

Wala masyadong CALLS ngyon... Siguro maraming pera ang mga kano! Nagkaroon kami ng chance magusap... Niyaya niya akong mag-lunch sa MCDO-PEOPLE SUPPORT kasama ang iba pa naming kaibigan. Dami kong inorder dahil gutom ako, siya din. Kaya yun.. natatae daw siya!

Pagkatapos ng aming LUNCH.. asaran na naman! Kulitan... Kwentuhan... Landian!

Mas maaga ang kanyang uwian.. "Oist, uwi nako" sabi niya. "Ok" ang aking naging sagot. Medyo dumami yung na tatangap kong tawag kaya focus muna sa work.

10:30am. OUt na din ako! Pagkita ko eh nasa baba pa siya ng building at nagyoyosi. "Di ka pa ba uwi?" sabi niya. "Uuwi na din pagkatpos ng yosi ko" . "Sabay na tayo" Ano daw? Sasabay siya sa akin...

Magkapit-bahay lang kasi kami ngunit pangalawang beses pa lang namen magsasabay... Intay ako taxi *yes, para gentleman effect* . May humintong taxi sa harap ko at bigla siyang sumakay... Nung bubuksan ko na yung harapang pintuan... "Baket ka jan? Dito ka tabi tayo".... Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Kanina sabay lang... ngyon, tabi na! Pakshet! Kwentuhan... kwentuhan... kwentuhan... kwentuhan... Hanggang madating na naming ang aming bababaaan.

Text na lang daw kung gigimik kami bukas. Wish ko makasama ako. Sorry! Nagtitipid ako!

Dalawang taon na akong in-love sa kaniya. Alam niya!?!? OO, tama ka! Alam niya!
Sa tuesday, 3pm na ang pasok ko. Sa kasamaang o kabutihang palad.... magka-shift kami! Pareho ang aming lunch. Imagine that! Halos 27 days ata kaming magkakasama bago ako lumipat ng ibang account... "sigh"
Naisip ko habang nasa loob kami ng taxi... Sana mahal mo din ako, di lang bilang kaibigan!

Wednesday, August 1, 2007

MAGANDANG SIMULA



"OUT NA AKO" Ito ang aking naging reaskiyon ng makita kong 10:30am na. Tapos na naman ang isang buong araw na pakikipagbuno ko sa mga kano. 'HONDA" ang tawag sa mga taong kagaya ko na ON THE DOT kung magpunch-out. Tumakbo ako papalabas ng production floor dahil baka makita pa ako ng TL ko at magkaroon na naman ng "quickie" este quick meeting tungkol sa aming pinaplanong team building.

Eniwiez, balik tayo sa aking paguwi... Pasakay na ako ng elevator ng makasalubong ko ang aking CRUSH (parang hiskul lang). As usal, asaran diyan at laitan dun.. Mula sa aking pagkakamali sa pagpronounce ng isang salita sa wikang Ingles, sa suot kung damit at sa napapansin niyang paglaki daw ng aking tiyan eh ang naging paksa . PASS TIME ng maiituturing dahil sa araw-araw namin itong ginagawa. Magkatinginan lang kami eh may naiisip na kaming bagong ihihirit sa isa't-isa. Ngunit isang biro niya ang hindi ko nagustuhan....

Ka-txt ko kasi si James. Si James ang isa sa aking mga pinaplanong ligawan. Niyayaya niya akong mag-luch sa CSB. Dahil ala akong alam dun sa eskwelehang iyon, tinanong ko ang aking crush kung saan ung tinutukoy ni James na lugar kung san daw kami kakain. Imbes na sagutin ako ng maayos , ito ang kanyang naging pahayag:


"Huh, Anong gagawin mo dun? Wag kang pumunta kasi di ka bagay dun!

Mainit ang aking ulo kaya ito ang PARA SA'YO!



SENSYA NA!

Hindi man ako LA SALLISTA,
Tinuran naman ako ng aking ina na rumespeto ng iba...

Hindi man ako mayaman,
Marami namang nagmamahal saking kaibigan...

Wala man akong mga bagay na mayroon ka,
Di naman ako gaya mong nag-iisa...

Sensya na!