"May asim pa..." Yan ata ang maisisigaw ko sa mga panahon na ito. Pagkatapos kong makaranas ng pagbabaha ng mga lalaki. Sa isip-isip ko lang... Kailan ko naman kaya mararanasan ang umibig? Somehow, enjoy naman ako kaso di pa rin maaalis ung paghahanap mo ng taong magiging bahagi ng aking makulay na buhay.... Di lang titi ang mayroon ako... Mayroon din naman akong puso.
"Sana ang puso ay maging tulad ng isang titi na pagumiibig ay tumitigas din"Sigh
Wednesday, August 20, 2008
Sunday, July 20, 2008
NAKAKALOKA....
Matagal-tagal na din nung huli akong magsulat dito sa aking blog. Natambakan na ako ng isang bundok na istorya na hindi ko na naisiwalas sa inyo. Ito ang ilang sa mga nangyari sa akin habang ako ay naglalakbay ....
November 2007:
Nakasama ko na naman sa aking bagong account si PIKE. Isa syang multo na bumabalik sa aking buhay. Araw-araw kaming magkasama. Gaya ng dati, 1st break, lunch at 2nd break. Naloka ang
aking nanahimik na puso. Para itong isang bulkan na sumabog mula sa ilang taong pagkakatulog.
December 2007:
Nakakilala ako ng ilang lalaki umagaw ng aking atensyon sa tunay na tinitibok ng aking puso. Ang koreanong biya sa tagalog at ingles. Ang estudyante ng FEU na may P, F, B and V problem. Nanghiram ng DVDs ko pero di na binalik. Hahahaha!
January-March 2008
Unti-unti na namang nagkakulay ang buhay pag-ibig ko. Na tsismis kami ng makailang-ulit ni pike. Kami daw at hindi lang namin inaaamin. SHOWBIZ: " Friends lang kami... CLOSE friends"
Patuloy na naman nalugmok sa isang pag-ibig na parang trapik sa edsa na kahit kaunti ay hindi umusad
April 2008:
Ang aking iniintay na promosyon ay aking nakamit na. Para akong nanalo sa isang beauty contest nung ipinroklama na ang nagwagi.... "Dodong Charing, ang bagong berdugo". Isa na akong quality evaluator. Hahahaha! Pagkatapos ng 3 taong paghihirap.... paghihirap pa din pala ang aking bagong pinasukan.
May-June 2008
Umikot ang aking mundo sa pakikinig ng mga echoserang mga ahente na walang ginawa kundi magkamali at makipag-away sa kustomer. Mas madalas akong magbigay ng bagsak na grado kesa sa pasado. Malas mo.... wala kang Q. bonus. hahhahahah! Mas lalu akong nagkaroon ng oras para kay piki.
JULY 2008:
Na leche ang buhay ko. Daming problema. Dumagdag pa tong isang to na pilit ipinagsisigawan na MAKAIBIGAN LANG daw kami. "Hay, matagal ko ng alam yun. Pede ba?" Sawi na naman. Pero ang magandang part ay lagi na kami ulit mgkasama ng aking kaibigang shungril (tibo). Kain dun... Kain dito... Kape dun... Kape d2. Di na ako rumarampa sa malate. Di na ako nakikipag EB ng ganung kadalas gaya dati. Sakto lang... Sakto sa okasyon. Alam nyo na yun...
AUGUST 2008:
Hopya ang palaka. Nawa'y dumating na ang taong kakalas ng tanikalang nagtatali sa akin sa pagitan ng kaligayahan at kalungkutan.
***Barbara.... pede ka ba? Magkulutan na lang tayo. hehehehe! Mis na kita.

Sunday, October 21, 2007
ANG AKING KARANASAN SA KAMA!
Ako ay napadpad sa isang lugar sa Maynila na kung saan hindi mahulugan ng karayom dahil sa dami ng tao. Iba't-ibang klase ng tao ang naroon. Nakakatuwa at nagkaroon na naman ako ng pagkakataong makapunta sa lugar na minsan ay naging tambayan ko noong ako ay nasa kolehiyo pa. Medyo marami-rami na din ang mga pinagbago sa lugar na iyon. Maraming mga establisimyento na rin ang nagsarado ngunit mas marami din ang nagbukas na nagmistulang mga kabuteng kung saan-saan nagsulputan.
Pinasok ko ang isang iskinita na kung saan maraming mga kalalakihan na nagtutumpukan. Kanilang sinisipat ang bawat taong nagtatangkang pasukin ang kanilang daigdig. Narating ko ang pinto na nababalot ng kadiliman. Di ko na matandaan kung kailan ako huling nakapasok sa lugar na iyoN. Nakakatakot. Nakakakaba.
Ako ay nagmasidmasid at pilit humanap ng mapwepwestuhan. Unti-unti akong sumabay sa musika. Umorder ng maiinom upang kahit papaano ay malasing at magkaroon ng rason para magwala ng ganun (Di kasi ako marunong magsayaw). Sa makailang ulit na paginom... tinamaan na ako! Ilang tao din ang bumati sakin. Mga taong naging bahagi ng aking buhay sa lugar na iyon at mga taong nakaniig ko ng minsan. Panandaliang kwentuhan at tanguhan. Nakakatuwang alalahanin ang mga naging karanasan ko kasama sila.
Ako'y umuwi ng may ngiti sa aking labi. Di ko mapagkakaila na naging masaya ako ng araw na iyon. Sa isip-isip ko... Babalik akong muli. Di ko pa alam kung kailan pero lam ko na may lugar akong tatakbuhan sa panahon na aking kailangan. Masaya ang aking karansan sa KAMA.
Monday, October 1, 2007
MAASIM ANG SABAW- FINAL ANSWER IS NO!
Matapos ang pangyayari kahapon (check my blog yesterday) kami ay muling nagkita sa isang copi shop malapit sa kanyang pinapasukang eskwelahan sa may recto. Mag aalast-otso na nung ako ay dumating. "Asan ka na?" naiiritang text ko. "Andito na ako sa tabi mo" ang reply niya. Lumingon ako. Nasa likod ko lang pala siya at ngumingisi. (parang telenovela).
Nagkwento siya tungkol sa pakikipagsapalaran sa eskwela. Pinakita nya yung result ng kanyang exam sa ECON. Di naman mataas hindi din mababa. Swabe lang. Sabay naging seryoso ang bata. Nagkwento tungkol sa issues nya sa pamilya, kaibigan at sa pagkakaroon ng kapareha. Sa daming ng mga issues na kanyang binangit eh hindi ko na matandaan ang iba. Magulo ngyon ang buhay nya... parang ako.

Madami din akong issues... Sa pamilya, sa pera at sa iba pang bagay. Nangangailangan ako ng kapareha na pwedeng sandalan sa mga oras na gaya nito. AT HINDI SIYA YUN. Tinanong niya kung ano ba daw ang status namen... WALA. Di pedeng magkaibigan dahil hindi ko pa sya ganung kakilala at HINDI NAGSESEX ANG MAGKAIBIGAN. Hindi din pedeng magjowa dahil wala kaming relasyon. "Gusto mo ba ako?" ang nakakawindang nyang tanong. "OO, kaso...." Hindi ko na madugtungan... Di ko alam ang sasabihin. Ayokong makasakit. Hindi ako marunong magsinungaling.
GUSTO KO SIYA... kaso BATA! GUSTO KO SIYA... kaso MADAMING ISSUES. GUSTO KO SIYA.... kaso HINDI KAMI BAGAY. GUSTO KO SIYA KASO... HINDI TAMA!
MAASIM ang SABAW.
My final answer.... NO! We can't be together!
Sunday, September 30, 2007
ONE NIGHT stand ONLY?!?
Ang sagot sa boredom... cHAT! Ala akong magawa kaya napagdesisyunan ko na lang na mag-chat at manood ng mga taong gustong-gustong ibuyangyang ang kanilang katawan sa sanlaksang kalalakihan. Samu't-sari ang kanilang mga dahilan kung bakit sila nagcha-chat. Naghahanap ng panandaliang ligaya na tutugon sa kanilang makamundong pagnanasa o kaya naman isang taong pede nilang makapareha sa hirap at ginhawa... Yung iba naman ay pamatay-oras lang daw. Hahahaha!
Nakilala ko si TRISTAN (di niya tunay na pangalan). Cute, maputi, may kaliitan (height). Mukhang mabait at makulet. Gusto nyang makipagkita sakin pagkatapos nyang magsimba ngunit di ko alam kung darating na ang aking kasama kaya hindi ko siya pinapunta. Palitan ng mga numero. Instant textmate. Nakipagkita ko sa aking kaibigan para makipagkwentuhan. Habang kami ay nagkakape eh siya naman ang text nitong si TRistAn. Pilit na nakikipagkita. "Iho alas-onse na ng gabi, di ka ba natatakot lumabas nyan?" ang tanong ko. "Ok lng basta magkita lang tayo" pamimilit na sagot niya. Saktong dumating ang isang mensahe galing sa aking kasama at di daw siya makakauwi. "OK" ang reply ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa vito cruz. "Sige punta ka na" paanyaya ko. "Papunta na ako" ang nagmamadaling nyang reply.
Makalipas ang 15 mins, may kumakatok sa aming pinto. Kwentuhan, landian, yosihan at bugbugan ng kasarian(SEX) ang ilan lamang sa aming pinagkaabalahan. Usap tungkol sa pagkakaroon ng relasyon.... "Di muna ako magchachat at makikipagtextmate, gusto sana kitang makilala pa ng lubusan". Ano?!? Ha?!? Tama ba ang narining ko?!? Ok. Mejo matagal-tagal na din akong walang ganito...
Pero malay mo, ineechos lang ako nito... Simula ba ito ng isang pag-ibig o pang ONE NIGHT STAND na naman? Malay ko!

Sunday, September 16, 2007
KAIBIGAN, SALAMAT SA KALAYAAN...
Ilang TAON ang aking inintay sa pagkakataong ito. ORAS na kung saan malalaman ko na ang KATOTOHANAN. Di ko maikakaila na naging BULAG ako sa tunay na kalagayan, naging BINGI sa mga usapan at naging PILAY sa pagtakas sa aking kinasasadlakan.
MASAKIT ngunit di ako umaray! Di ko pinahalatang ako ay nasasaktan. Pilit kong ITINAGO ang tunay kong nararamdaman. Pinalitan ng ngiti ang bawat HAPDI. Pinalitan ng tawa ang bawat hiyaw ng PAG-IISA.
Ngyong araw lang...
Ako ay NASAKTAN ngunit NAILIWANAGAN. UMIYAK ngunit naging TIYAK. Salamat KAIBIGAN sa KATOTOHANAN na nagbigay daan sa aking KALAYAAN..
Thursday, September 13, 2007
MORNING RUSH SA AYALA AVE.
7AM ang tapos ng aming training... Inintay kami ni TL O lumabas. Bumaba kami agad ng building bago pa kami maubusan ng dugo sa walang humpay na pagdaloy nito sa aming ilong. Shet... Ang tagal pa ng mahal na araw para sa pinitensya.
Kwentuhan... Kwentuhan... Kwentuhan... Dumating na ang aming mga iniintay na nagagandahang mga kasama. Nagkayayaan ng umuwi kaya bitbit ang aming bag at sumugod na sa mejo mahaba-habang lakaran papunta sa sakayan. Daming tao... Halos lahat nag mamadali.
May napansin kaming lalake na bumaba sa FX. Mejo may hitsura at di mo maipagkakaila na bata pa. Sa kanyang pagbaba ay may biglang sumalubong sa kanya... isa pa ding lalake. Sabay silang naglalakad. Paminsan-minsan silang naguusap. Nagtitinginan. Napagdesisyunan namin na habulin upang makita ng malapitan. Lakad... Lakad.. Lakad... Mabilis din silang maglakad. Bumaba ng underpass... Sunod naman kami. Sa kanilang pagsakay sa escalator mejo nagdikit and dalawa. Ito ba ay dahil masikip o pagkakataon na nilang maglapit? Malay ko. Habol pa din kami. Siguro mag-jowa? Baka magkaibigan? Hindi ko alam. Dahil nakaramdam na kami ng pagod, kami ay huminto. Sabay pasok nung dalawa sa LKG tower. Mejo malayo na ang aming nilakad.
Nagyosi muna. Dami pa ding tao. Iba't-iba ang hitsura. May cute... May kahit papaano ay cute... At di mawawala ang mga nakaka-takyut. Tambay... Tambay... Tambay. Dahil may pasok pa kami mamayang gabi... Kami ay naguwian na.
Sumakay ako ng bus. Nagbayad. Nagsimulang tumingin sa labas ng bintana. Ang daming pumapasok sa aking isipan. Yung mga team8s ko na aming naiwan, yung pamangkin kong halos 3 months ko ng di nakikita, ang aking pag-ibig.... Ang resulta?!? Lumagpas ako sa aking bababaan. Badtrip! Pero ok lng... masaya naman pala.
Bukas ulet. Mag-yoyosi... Maglalakad... Sasakay ng bus... Pero sana bukas, di na ako lumagpas!
Friday, September 7, 2007
Umiiyak din ba ang kalangitan?
tambay. Nakatingin sa kawalan. Blanko ang isipan...
"Uwi na ba tayo?" tanong niya. "kaw bahala" sagot ko.
"yosi muna?" sabi niya. "sige"sabi ko.
Habang kami ay nagkukwentuhan. Biglang umulan.
Napatingin siya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya.
Wala akong na sabi. Ngumit lang siya.
Sa bawat patak ng ulan, yun naman ang sakit na
aking nararamdaman. Malaming. Sumusot sa bawat
parte ng aking katawan. Ito ba ay dala ng ulan o
ito ang tunay kong nararamdaman?
"Tara na" pagaanyaya niya. "Sige" tugon ng pagsang-ayon.
Naramdaman ko ang bawat ulan na pumapatak sa buo kong katawan.
Ako ay napatingala. Isang tanong ang pumasok sa aking isipan.
Umiiyak din kaya ang kalangitan?
Thursday, September 6, 2007
PAHINGA MUNA... DI KO NA KAYA...
2 DAYS na lang ako as a fraud analyst... Lilipat na ako sa ibang account pero same company. Anong bagong job title? Dehins ko alam. Banking associate? Customer Care REp? Pare-pareho lang naman eh.. Wala akong pake.
Starting monday magtraining na ako sa bago kong account... Dadayo ako sa ibang building sa makati. Ang masakit dito ENGLISH ONLY! pOTA... Duduguin na naman ako sa 8 oras na inglisan. Hahahaha!
Paano na si PIKI? Waaah! Ma mimis ko siya. Para kasing babae yun na pabago-bago ang isip. Maybe this will be the right time to move on... Ilang linggo ko din siya di makikita? O baka hindi na. Ewan ko. Life must go on...
Pahinga na muna... Di ko na kaya. Sana pangmatagalan na.

Tuesday, September 4, 2007
TAENA... AUKO NA!
Ang hirap pala ng ganito ang sitwasyon. Di ko maintindihan ang gusto ko. Madami ang nagsasabi na dapat daw ay mag move-on na ako sa kaniya. Paano? Ang hirap! Kaibigan ko siya.
Sabi naman ng iba eh dapat maging kuntento na ako kung yun lang ang kaya niyang ibigay. Paano? Ang sakit! Kaibigan lang ako.
Sa araw-araw na kami ay magkasama... Iniisip ko kung anong meron siya? Di ko malaman kung bakit ganun kagaan ang loob ko at di ko siya kayang iwasan. Di naman ako ganito dati. Inlab nga ba ako o na-chachallenge lang ba ako dahil di ko siya makuha? Hindi din. Ako pa? Ang dali kong mag give-lalu na pag walang pag-asa. Eh bakit ngyon ganito ako sa kaniya? Bakit nga ba? Ano nga ba?
Masaya na mahirap. Nakakakiling na masakit. Kailangan ko yatang maging manhid sa katotohanan na kami ay magkaibigan lamang. Taena... Auko na!
Subscribe to:
Posts (Atom)